Mag-sign In Sa Iyong Account
Nakasara ang account - bakit at ano ang gagawin?
Mayroong ilang dahilan bakit ang isang account ay maaaring isara:
1. Walang aktibidad.
Ang pinakakaraniwang dahilan ay ang account ay isinara sa pagiging hindi aktibo (walang login/aktibidad) sa mahabang panahon - mga 3 buwan o higit pa. Ang mga account na ito ay nabubura kung walang pondo sa balanse nito at hindi ito naibabalik. Ikaw ay malayang magrehistro ng bagong account (sa kondisyon na walang ibang aktibong account na iyong inirehistro sa Platform).
* Ang email ay hindi maaaring muling gamitin. Kailangan mong gumamit ng ibang email address.
2. Binura ng may-ari
Kung walang pondo sa balanse, ang mga account na ito ay hindi maaaring ibalik. Tulad ng nakaraang dahilan, kailangan mo lang siguraduhin na walang ibang aktibong account na iyong nirehistro sa Platform at gumawa ng bagong account.
* Kung nagkamali kang burahin ang iyong account at may pondo sa balanse nito -- mangyaring makipag-ugnayan sa suporta para sa detalye (gamitin ang form na «Makipag-ugnayan» sa pangunahing pahina). Ang mga operator ay susuriin kung ang account ay maaaring ibalik.
3. Mga naka-duplicate na account.
Pinahihintulutan lamang na magkaroon ng isang aktibong account sa Platform. Kung may ibang account na inirehistro ng parehong tao ay natuklasan ito ay maaaring burahin nang walang babala (c 1.30 ng Kasunduan sa Serbisyo.).
4. Binura dahil sa paglabag sa Kasunduan sa Serbisyo.
Ang may-ari ay aabisuhin ng detalye mg paglabag, ang possibilidad ng pagbabalik ng pondo, at kung aplikable, ay hihilingin na magbigay ng mga kinakailangang dokumento.)
* Sa kaso ng awtomatikong pagkakatuklas ng mga paglabag (hal. gamit ang awtomatikong software sa pakikipagpalitan) – ang Kompanya ay may karapatan na hindi abisuhan nang pauna ang may-ari. (Maaari kang makipag-ugnayan sa suporta sa pamamagitan ng form na "Makipag-ugnayan sa ibaba ng pangunahing pahina ng website para sa detalye at pagbabalik ng pondo (kung aplikable). (Pinaaalalahanan ka namin na ang lahat ng mga umiiral na dokumento (Kasunduan sa Serbisyo at mga annex nito) ay maaaring makuha ng publiko at maaaring bisitahin anumang oras sa website ng kompanya.
Kung posible na ibalik ang account, ikaw ay hihilingan na magbigay ng
- Isang high-resolution na litrato ng iyong sarili (selfie) kung saan hawak mo ang iyong dokumento sa pagkakakilanlan (ang iyong pasaporte o National ID) kasama ang isang piraso ng papel na may pangalan na «QUOTEX» na isinulay ng kamay, kasalukuyang petsa at iyong pirma. Ang iyong mukha, katawan, at bapwa braso ay dapat nakikita. Ang detalye ng dokumento ay dapat malinaw ay nababasa.
- Mga screenshot ng mga resibo ng deposito sa account na ito (isang bank statement o detalyadong resibo mula sa sistema ng pagbayad na iyong ginagamit sa pagdeposito).